] Hesjedal Media: block A
Showing posts with label block A. Show all posts
Showing posts with label block A. Show all posts

Monday, October 4, 2010

litanya ala block A [part 2]

_alice: sa mcdo na kasi tayo.

_mon: masyado ka sa fast food. alam mo ba, fast food, fast life.

____________

_fred: maam saan kayo nakatira?

_CI: sa taas.

_fred: sa gym?

____________

_CI: tignan nio. wag kaung magmi-misdiagnose. baka akala nio sunken eyes pero ganun pala tlga.

_vin: maam anu ang sunken eyes?

_CI: nakaluwa ang mata.

_vin: nakaluwa tas sunken eyes?

_jehad: sunken eyes!

____________

_CI: quiz nio bukas ha, sa dalawa.

_vin: bakit kaya tau quiz nang quiz. wala lang siguro magawa si maam.

____________

_vin: maam, totoo ba pag nahuli ka nagyoyosi sa duty expulsion agad?

_CI: depende. lets see.

_vin: maam, kasi naman 6 years ka nang nagyoyosi tas biglang 3 days titigil. ang hirap. its hard.

____________

_CI: anu ang LBM?

_karen: loose bowel movement.

_romeo: si joey.

_fred: oo nga si joey LBM lagi.

_joey: sige lang ipagmalaki nio total naman hindi kayo ung napapahiya e.

____________

_CI: anung country ang may pinakamalaking population?

_fred: india!

_CI: hndi. china.

_fred: sabi ko nga. india ung second.

____________

CI: yang buhok mo, para kang bumiyahe sa eroplano, sa labas nga lang.

____________

_karen: hala si sir hindi rin pala ichecheck ung reflection natin.

_ako: oo nga. pinag-isipan ko pa man din ang over over.

_joey: ako rin. dumugo ilong ko kakaisip ng english.

____________

_vin: hi maam.

_coordinator: saan ang CI nio?

_vin: maam wala pa. may short quiz pa kami. 50 points. OA.

____________

_CI: miss wanawan.

_fred: wanawan point nine.

____________

*planning for community duty*

_lesley: ung mantika.

_fred: bibili na dun baka mabutas.

_lesley: ung talong?

_fred: bibili na dun baka malamog.

____________

*community*

_jehad: may narinig ba kau kagabi?

_joey: multo?

_jehad: hindi. hilik.

____________

_vin: lolo ko, akala, ung 3 in 1 na kape, tatlong beses mo pwede timplahin hati hatiin mo sa tatlo. parang ung 3 in 1 na shampoo!

____________

_CI: take ur time. bilis!

____________

_joey: favorite colors ko, black, red, green, pink.

_mon: andami nman. dapat pag favorite color, isa lang. parang best friend. best.

_joey: oo nga andami kong favorite color pero mga damit ko puro orange.

____________

_joey: kuya marunong ka bang mag-repair ng headset? sira kasi tong akin e.

_mon: bakit, anu bang kinuha kong course?

____________

*kumakanta*

_karen: ..shooting stars.. i could really ush a wish.. haha.

____________

_vielle: si jovs binasag niya ung nagtitinda ng balot kanina.

-fred: eto binasag niya, ung balot. haha.

____________

_joey: ano? si jiro manio may anak na?

_karen: oo.

_lesley: 2 years old na ung anak nia ngayon.

_joey: ilang taon na ba siya ngayon?

_ako: sixteen na.

_joey: e di fourteen siya nung nagkaanak sila.

_viele: hindi joey, eighteen siya nun! alangan naman kasing magfoforward ung age niya tas babalik.

_joey: sorry naman pu.

____________

_karen: nasanay na kasi akong nagtataxi.

_vielle: mayaman.

_karen: minsan lang.

_fred: minsan ka lang mayaman?! haha.

____________

_terrence: analyze the analyzation..

____________

*about RHU*

_CI: yung yellow card, yellow paper, para saan un?

_vin: enrolment form.

____________

_lesley: may golf course dun.

_fred: tamang tama may dala akong swimsuit!

____________

*sa loob ng van*

_ako: parang ang luwag luwag dyan sa likod a.

_fred: si joey, ang luwag luwag.. ng mga damit niya.

_alice: haha.

____________

_mon: aray. aw.

_fred: aray na nga, aw pa. nasaktan talaga.

____________

_fred: joey, iuwi mo ung mga malalaking bato o. panhilod.

____________

_joey: bakit kaya ang hirap gisingin ang mga nagtutulug tulugan?

____________

_fred: hala may check point pa.

_joey: ampatuan kami.

____________

_fred: san na tayo?

_ako: malapit na tau sa abatan.

_fred: hala ang layo na natin hinahanap na ako ng nanay ko.

____________

_fred: ano kaya ang masarap iorder sa delivery room?

____________

_ako: bakit kaya tong pintuan ng van hindi na ginawang magkabilaan?

_fred: bakit hindi na rin ginawang magkabilaan ung driver?

____________

_driver to joey: magseatbelt ka.

_fred: hindi na yan kailangan may sarili na yang airbag.

____________

_joey: bucayaoan, bokawkan, ano? buyacaoan.

____________

_CI: noon, mas pasyente kami sa ortho.

_romeo: kami rin!

____________

_karen: hala naman pinagheheadband ako ni sir? anu na kayang itsura ko nun?

_vielle: alam mo ung mga nasa mcdo? ganun din kaya gawin mo. magnet ka sa ulo.

____________

_CI: postconventional ung sagot.

_aira: maam conventional naman ung nasa book.

_CI: postconventional yan.

_tj: ay pinalitan na?

____________

_CI: sino dito ang may mga kamag-anak sa abroad?

_karen: kapatid.

_alice: nanay.

_fred: kapitbahay.

_vielle: kakilala.

_ako: ung nakasalubong lang.

____________

*joey nagbubuhos ng sanitizer sa kamay*

_vielle: hala joey hindi yan running water.

____________

_mon: wala! walang estudyante pag sabado!

_lesley: meron.

_mon: wala! magbayad kayo ng 7.50.

_vielle: heto, sais.

_mon: sabi ko nang 7.50 e!

_caila: bakit ba kasi.

_ako: siya kasi ung driver.

_fred: hindi, tatay niya.

____________

_ako: fred bakit mo kasi ginaganyan si eryll? tumahimik ka na kasi!

_fred: dahil ayokong nalalamangan!

____________

_lesley: bakit square ang box ng pizza, pero bilog ung mismong pizza?

_kami: bakit?

_lesley: kasi, may mga bagay na sadyang magkaiba pero bagay sa isat isa.

____________

_lesley: quarrel kayo nang quarrel hindi nman kayo lovers!

____________

*madaming pusa sa OB*

_fred: hindi na kasi to ginawang zoo.

____________

*nag-uusap about dengue*

_alice: baka kinagat ng lamok?

_fred: hindi, baka tinuklaw.

____________

_mon: bat tulog yan? (joey)

_lesley: wala nga siyang tulog kagabi.

_mon: mas okei na ung walang tulog kesa walang gising!

Sunday, September 5, 2010

litanya ala block A

_tj: joey, knock knock, pramis, nakakatawa to. knock knock.

_joey: ewan ko sa yo.

_tj: ayaw mo? bahala ka. its not my loss.

_joey: haha. sa totoo lang dun ako natawa.

________

_mon: lam mo, kung mayaman lang sana ako, pinag-aral na kita.

________

_tj: di ba, pag past tense, naglaba. pag present, naglalaba. pag future.. magsasampay.

________

_lesley: ang gwapo ni kuya jehad a. *dahil nagpa-gupit at nagpa-ahit*

_jehad: sa totoo lang labag to sa kalooban ko e.

________

_sean: tapos ka na ba sa intrapersonal? este intrapartal pala.

________

_CI: where is miss carpio?

_tj: curfew?

________

_CI: noe, elaborate this.

_noe: elaborate mam?

_CI: oo, elaborate it.

_noe: mmm. elaborate mam?

_fred: elaborite, elaborite, okey na?

________

_tina: sino ang pumatay kay magellan? it starts with an L.

_fred: lito lapid.

_tina: inuulit ito.

_fred: lito lito lapid lapid.

_tina: marami sila.

_fred: lito lapid and friends.

________

_fred: mam short quiz sabi nio tas 35 points. di nio na lang ginawang 40 para sinulit sulit nio na.

________

_CI: tj mag-ahit ka dyan.

_tj: mam kakaahit ko lang nung sabado mam.

_CI: iba ngayon.

________

_CI: mr. paras your socks bakit white.

_tj: mr. paras you suck daw.

________

_CI: noon, ang ginagamit nila ay bamboo para i-cut yung cord ng baby.

_fred: o, bamboo???

_jovilyn: basta kasi pag bamboo feel mo ikaw na.

________

_CI: walang ambulansya kaya ung pasyente, nagtataxi na lang.

_jane: hala. patay na ung pasyente a.

_fred: iniisip nio kasi patay na.

________

_CI: sinu na dito ang nakapunta ng US? mr. tuazon and ms. madarang di ba?

_fred: ako sir, sa mexico.. pampanga. sa new york.. cubao.

________

_CI: dapat, huwag niong ikahiya ang school na pinanggalingan nio.

_fred: "maganda ba ung mga room nio doon?" "malaki.. ung gym."

________

_fred: 80% of jokes are true.

________

_CI: selfish.

_fred: yes sir. minsan nagtitinda rin ako ng baboy.

________

_CI: acapen.

_fred: yakapen.

________

_tj: another breastfeeding position is the football position. put your baby on your fore arm. apat na kamay..

________

_vielle: yung fertile phase, pwedeng mag-occur agad after menstruation.

_erika: kelan yan?

_fred: mamaya.

________

_tk: when can you record your menstrual days?

_vielle: sa kamay mo kung gusto mo! haha.

_fred: sa pader!

________

_fred: this is the.. ahm, kasi yung ano..

_tj: english!

________

_fred: mga bulakbol!

_karen valerie: weh? nagsao!

________

_jovilyn: nakakainis ako na lang lagi tinatawag ni sir.

_jesebel: wen man.

_fred: sige, magreklamo kayo sa isa't isa imbes na kay sir.

________

_romeo: mam kailangan pa ba talaga nung PHN book?

_CI: kasi gagamitin nio yan hanggang 4th year.

_tina: mam ako hanggang 4th year dala dala ko tong book.

_fred: dala dala mo hanggang 4th year? ako minsan iiwan ko rin sa bahay. haha.

________

_mon: hindi naman talaga natin alam kung ano ang nursing e. bat kasi may mga nagkakasakit pa. sana ginawa na lang ni God na wala nang sakit.

________

_CI: bat mo kasi inaasar ung mga kagrupo mo?

_mon: sir hindi kaya. tinuturuan ko pa nga sila eh.

_CI: siguro crush mo sila no?

________

_mon: sir, subukan mong kumain sa kabila.

_CI: bakit, masarap ba dun?

_mon: may ginto ang pagkain nila dun. ang mahal e.

________

_CI: its better talaga na bilhin nio ung book. ung accompanied by a CD.

_fred: mam sa national bookstore, may CD na nga may CD player pa!

________

_CI: bugarin were you raising your hand?

_fred: ako mam?

_tina: sino pa bang bugarin dito?

________

_CI: anong mahirap? diniscuss nman natin tong lahat. nasa libro pa. ano ang mahirap?

_noe: mahirap magrebyu.

________

_CI: fourmula one. ano pang mga program?

_karen valerie: fourmula two.

________

_CI: sa capping, ilang parents nio ang darating?

_fred: mam dalawa, sila pareho.

_tj: mam ako tatlo. kasama ung kabit. haha.

________

_tina: mam ilang months na tiyan nio?

_CI: 3 months.

_tina: kelan expiry date? este due date?

________

*sumisipa ng bola si noe sa volleyball*

_malou: noe han nga soccer dayta!

________

_lesley: ang ganda ng scrapbook natin a, ung kulay ang sarap sa mata.

_fred: o, tikman mo. *sabay subo ng papel sa mata ni lesley*

________

*mga vikings na girls tinitilian si sean habang sumasayaw*

_romeo: ang lalandi nio bata yan!! bata!!

________

_CI: magkakahypertension ka pag sayote ang ulam mo araw araw.

_tina: totoo mam? nakakahighblood ang sayote?

_CI: oo.

_lesley: di nga?

_tj: sayote manen! inaldaw nga sayote!

_CI: ikaw ba nmang isang buwang sayote ang ulam mo araw araw hindi ka ba mahahighblood?
________

*4:30pm*

_romeo: good luck sa inyong duty. kita kita mamayang umaga.

_vielle: ano? mamayang gabi!

_romeo: mamayang umaga!

_veille: mamayang gabi, hindi umaga! sus!

________

_vielle: ang baho!

_ako: parang sunog na tae.

_fred: haha!

_vielle: wag kang tumawa, lumalala!
________

*alice, lumipat ng upuan, sa loob ng jeep*

_fred: hoy! ginagawa mo ring bus to a! umaandar tawid ka nang tawid!

__________

_mon: ganito kumain ng oreo. buksan mo. tas dilaan mo. tas isawsaw mo. tas kainin mo.

__________

_CI: san si ritumalta? wala pa siya?

_mon: oo nga sir lagi na lang siyang nahuhuli.

_CI: sabihin nio kasi sa kanya, wag na siyang mag make up.

_fred: hindi sir, maganda lang talaga un.

_mon: lagi siyang nahuhuli kasi ganito siya maglakad. *naglakad nang parang penguin*

__________

*sa loob ng jeep*

_fred: may estudyante ba pag sabado?

_ako: anong tingin mu sa ten?

_lesley: may estudyante pero walang discount.

_fred: manong bayad. estudyante, nag-aaral mabute!

__________

_CI: magbigay nga kayo ng gamot for ulcer.

_romeo: pagkain.

_vielle: sky flakes.

__________

_CI: mula sa chicken, anong makukuha mong sakit?

_romeo: chicken pox.

__________

_caila: ang liit ko no.

_ako: ano bang height mo?

_caila: 4.

_ako: ako kaya?

_caila: siguro 5"2". eh ako. ang liit ko talaga.

_ako: mukha ka kayang matangkad pag malayo.

_caila: e di dapat lagi akong malayo.

__________

_CI: miss patacsil. maingay ka.

_tina: mam ako lang? lahat naman kami.

_CI: ikaw ang naririnig ko diyan.

_tina: mam sige tatahimik na ako.

__________

_joey: mam may tendonitis po ako.

_CI: may tendonitis ka?

_ako: magpapayat ka na kasi.

_karen valerie: oo kasi ang bigat. haha.

_joey: haha. oo nga no.

__________

_candidate for SSC [cyrus]: yan ang aming mga platforms. any questions?

_roy: and, sa uniform pala.

_candidate for SSC [cyrus]: ay, oo. inaamag na rin ba mga damit mo sa bahay?

_roy: oo.

_fred: buti ako pina-ukay ukay ko na!

__________

_tina: sino ung si julius barias?

_candidate for SSC [cyrus]: yung sa intrams, yung nagbasketball.

_vin: si JB. justin bieber.

__________

__candidate for SSC [cyrus]: yung soundsystems, sa apat na taon na nandito ako ganun pa rin. pati yung gym, naka isang pintura lang ata sa apat na taon na andito ako.

_vin: si jehad, limang taon nang ganun ang nakikita!

__________

_vielle: hindi nakapasok si miss venezuela sa top 15.

_aiselyne: oo, kasi sila lagi ang nakukuha.

_ako: last year sila rin nanalo. tas before nun sila din.

_joey: kelan nanalo si ano.. si..

_ako: si gloria diaz?

_joey: oo.

_ako: 1954. ewan.

_romeo: 1970s.

_vielle: 1900s. hindi. nung panahon ng giyera siya nanalo.

_romeo: kasi wala nang iba. haha.

__________

_lesley: no permit no exam.

_roy: wala akong ID. magbabayad na ako. okey lang ba pag walang ID?

_vin: okey lang yan. sabihin mo, "hindi nio ba ako kilala?!"

__________

_jovilyn: sir, magchecheck ka ba ng notebook ngaun?

_karen valerie: sus. bukas na!

_jovilyn: hindi ka nagsusulat no?

__________

_PE teacher: 14-16 lang ang feathers ng shuttlecock. may nagsulat ba ng 20 diyan?

_karen valerie: mulawin na un a!

__________

_ako: hinahanap ka ng bisita ng pasyente ko.

_JP: ha? sinu?

_ako: ewan.

_JP: hindi. sikat kasi ako.

_ako: me ganung factor?

__________

_emily: ui. anung dadalhin bukas sa RD?

_fred: sarili mo.

__________

_joey: mam yung apron ganu kalaki?

_fred: yung kasya sa yo.

__________

_erika: mam pwedeng maki-sit in muna?

_tj: akalain nio un. alas diyes kami nadismiss, balik daw kami ala una. inggit kayo no?

__________

_CI: dapat dalawa ang scar nio. kumpleto nio ba yung dose?

_jehad: mam wala naman. pwede pang humabol?

__________

_fred: "you're the victim of the crime. too much love will kill you.."

_jehad: ui si jovit o!

_mon: look alike!

__________

_fred: mam pwede bang gumawa ng sariling tea bag?

_vin: yung medyas mo.

_vielle: stocking!

__________

_CI: hindi nio ba talaga nababasa?

_jovilyn: pramis mam ang labo nitong photocopy.

_CI: wala talaga kayong nababasa ni isang word?

_vin: personal social, fine motor, language, grluzawitoqas.

__________

_CI: ano pang kayang sabihin ni baby? mama. dada. ano pa?

_vin: brother.

__________

_CI: what's "reservoir"?

_noe: bahay.

_CI: anung bahay? ganyan ba kayo sumagot?

_noe: bahay mam.

__________

_tj: mam hindi kami naligaw dahil dun sa mga tae.

__________

_alice: ang sikip nitong sleeping bag. wag na lang kaya natin ipasok ang sarili natin dito.

__________

_doktora: alam mo bang bawal ang mataba dito?

_joey: opo mam.

__________

_ako: oi magbihis na raw kayo sabi ni sir.

_tj: sabihin mo sa kanya magbibihis ako kung kelan ko gusto!

*narinig ni sir*

_tj: tara bihis na tayo a.

__________

_doc: eto (joey) ang ganda niya pag payat siya. di ba?

_tj: ako po gwapo pag mataba.

__________

*kausap si fred sa phone*

_vielle: fred, ano, bibili ka ng extension wire? para mula sa saksakan ipagkonek konek natin hanggang sa higaan natin.

_fred: ***

_vielle: ha? sa TS ka bibili? baka naman isang gabi lang puputok na yan.

__________

_mon: tignan mo nga kung may media diyan sa labas. magsusuot kasi ako ng nike baka magalit ang adidas.

_ako: ano sila, sponsor?

__________

_doktora: ikaw jehad, anong ginawa mo nung pinagalitan kita?

_jehad: mam. umalis, tapos pumunta sa may bintana, tumingin sa labas at tumulo ang luha.

__________

*justin bieber and sean kingston on the radio*

_tj: eto ang bagong lyrics niyan. "shortie is an incy wincy spider!"

__________