] Hesjedal Media: pati kalsada, minahan na pala.

Tuesday, November 1, 2011

pati kalsada, minahan na pala.



hinuhukay na naman ang mga kalsada ng baguio at ng la trinidad. matagal ko nang pansin ito, nung bata pa ako. nagtataka ako, bakit kaya napakagandang kalsada, sinisira tas inaayos? i mean, "inaayos" or pinapalabas na "inaayos" kuno.

hindi man ako engineer, hindi man ako DPWH, pero kahit sinong tao, (hindi tayo tanga), alam na isang malaking kalokohan ang ginagawa nila sa ating mga kalsada. bakit?

eto ang mga dahilan..

1) wrong timing - kung kelan pasukan at tag-ulan saka "inaayos" ang mga kalsada.

2) nakaka-traffic - lalu na sa magsaysay at sa la trinidad. perwisyo sa mga estudyante.

3) wala akong nakikitang mga nagta-trabaho. kung meron man, isa lang o dalawa. ganun pala ang project na milyones ang budget eh no???

4) hukay. ayos. hukay. ayos. parang tanga lang eh no. puro bokawkan na lang at magsaysay, mga kalsadang nakikita ng mga tao. para siguro i-showcase na "may ginagawa ang gobyerno". pero ung sirang kalsada sa mga zarate - tacay, inayos ba? laging may baha dun. sa tingin ko, for PUBLICITY's sake lang ang ginagawa nila.

AKALA nila nai-impress tayo? na sa tuwing nata-trapik tayo na 1 meter per hour ang speed natin eh, pumapalakpak tayo na, "yehey! may pinupuntahan ang tax natin! para sa matuwid na daan!" pero hindi. "may pinupuntahan ang tax natin! sa bulsa nila!" allegedly. haha. (para libel free)


disclaimer: hindi ko pag-aari ang larawan sa itaas. kinuha ko ito mula sa nordis.net


No comments:

Post a Comment