] Hesjedal Media: hostage!

Wednesday, August 25, 2010

hostage!







minsan mataas tingin ko sa pulis minsan hindi. minsan duwag tingin ko sa kanila minsan hindi. minsan feel ko mga bayani sila minsan hindi. minsan. ibig sabihin, hindi lahat ng pulis, duwag, kurap, kotong, palpak, brutal. kaya wag nio ring lahatin.

sa nangyaring hostage, hindi nila hawak ang mundo. hindi nila hawak ang sitwasyon. oo marami silang mali. pero un nga, kulang sila sa kagamitan. kulang kasi sa budget. dahil ibinulsa ni?

nagsabog ng tear gas, wala nmang gas mask.

nagdala ng maso, kinaya ba ung bintana ng bus?

may walang helmet.

may walang bulletproof vest.

atleast inamin nila ang mali nila at hindi naghugas kamay.

kung sana pinagbigyan ang kahilingan ni capt. mendoza na magdala ng media dun. ang sabi nila hindi raw dpat media ang nakikinegotiate sa hostage taker. leave it to the experts daw. ang tanong. may nagawa ba ang mga experts na yan?

hindi rin magandang bigyan ng ibang kahulugan ang S.W.A.T. like = Sugod. Wait. Atras. Tago. or Sorry Wala Akong Training. well, nakakapagpababa kasi un lalo sa imahe ng ating kapulisan at ng pilipinas. kaya wag na nating idown ang ating kababayan. lalu pat mga dayuhan ang naging mga biktima.

minumura na tayo. pati ngiti ni noynoy pinansin din. *ewan ku rin dun* ibig sabihin tutok talaga lahat ng tao sa balita tungkol dun. sana yang mga bumabatikos sa kapwa pilipino tumahimik na lang, dahil lumalala lang ang lahat.

tsk. tsk. tsk.

No comments:

Post a Comment