Sunday, January 31, 2010
sana araw araw eleksyon
ginisang siya ng ingay ng mga SUV at mga motorsiklong nagdaraan. kanina lamang ay kakaunti lamang sila. ngayo'y dumami na. tanghali na siguro. oras na para ang mga estudyante at mga empleyado ay mag-commute papunta sa kanilang paaralan o opisina. sa SLU o UB siguro, o kaya sa SM o sa Tiongsan.
gaya ng dati, nagising siyang walang unan o kumot na ililigpit. walang pyjamang huhubarin. walang kapeng hihigupin. walang pintuang bubuksan.
nagdaraan ang mga tao - iba't ibang uri ng taong may iba't ibang ugali, iba't ibang mukha, iba't ibang estado sa buhay. marahil may mataray, may pasensyoso, may magastos, may galante, may inggitera. mayroong matangkad, may nunal sa tabi ng mata, ilong, kilay, labi, may kulot, may kalbo. marahil isa sa kanila ay nakapagnakaw na ng cellphone, o nakapagbakasyon na sa US. may nagmamadali, may lakad pagong.
ngunit ni isa sa mga 'may' na ito ay hindi naglaan ng kapirangkot ng kanilang panahon para tumingin sa kanya - tumingin nang may awa. dahil ang mga tingin na nakakasalubong sa kanyang mga mata ay mga titig ng pandidiri, at pagkainis kung nakaharang man siya sa daan ng isang mahuhuli na sa kanyang klase.
lapitin siya sa mga langaw. kelan nga ba ako huling naligo? tanong niya sa sarili. inamoy niya ang tshirt na dating puti na ngayo'y itim na. hindi na niya maalala kung kelan at saan siya huling naligo.
tantsa niya, kulang kulang isang libo nang mga tao ang dumaan sa bahagi ng sidewalk na iyon na itinuturing niyang teritoryo, ngunit wala pang ni isang baryang may naka-side viewng mukha ni Rizal ang nag-'ting!' pag nalaglag sa kanyang basong lata.
tsk, isang araw na naman ba itong walang tsibog? gusto ko ng adobo!
nanghihinayang siya at hindi niya isinama si Akil. siguro pag kasama niya ito ay lalambot ang matitigas na puso at mapupuno ng barya ang kanyang lata. kung nasa tabi niya siguro si Akil ay mahahabag ulit ang isang Kano at magbibigay ng perang papel at sasabihing 'For your brother's milk..' gaya noong Pasko.
pero hindi na Pasko, tapos na ang Pasko, wala si Akil at walang Kano. puro mga Koryano lang.
biglang natanaw niya ang dalawang babaeng tila naglalakad patungo sa direksyon niya. may hawak silang puting bag.
pagkain! pagkain! magbibigay sila ng pagkain! bulalas niya.
nakangiting humarap ang dalawa, parehong nakasuot ng puting tshirt. sa tshirt ay mukha ng isang taong pamilyar dahil nakita na niya ito sa mga poster sa buong syudad.
eleksyon na no? nais niyang itanong sa dalawa.
inabutan siya ng isang styrofoam na may sticker ng mukha ng katulad ng nasa tshirt nila. hindi pa nila ito nailalabas mula sa puting bag ay amoy na amoy na niya ito.
adobo! yes! adobo!
sa wakas ay napagbigyan na niya ang kanyang sikmurang kanina pa nagpo-protesta sa kawalan ng laman.
ang mga nagsiakyatan sa sidewalk na iyon ay nagsisibabaan na. habang ang mga nagsibabaan kaninang umaga ay paakyat na.
uwian na siguro. haaaaay.
gaya ng dati, matutulog siyang walang unan o kumot na magagamit. walang pyjamang maisusuot. walang gatas na maiinom. walang pintuang maisasara.
eleksyon na naman. sana araw araw, eleksyon.
at araw araw, may adobo.
Labels:
bata,
candidate,
children,
election,
eleksyon,
food,
kampanya,
pagkain,
palaboy,
street,
taong grasa
Wednesday, January 27, 2010
war on shabu
shabu, also known as "poor man's cocaine" [whch is ironc bcuz shabu prices r sky high] is d most widely used illegal drug in d philippnes. 90% of drug users r shabu addcts. tsk tsk. tracng d reasons why pipol r addcted to ds drug [&& drugs generali speakng] just leads to anothr problem. like, ahm, juan is a shabu addct. why? bcuz of d influence of frends. why? bcuz hs parents dont giv much attention to hm dats why he fnds d company of frends instead. why? bcuz of poverty, so d parents hav to fnd job from a dstance. see. dats why "killng d culprit by its roots" is dffcult.
lateli, an operator of a huge shabu tiangge was jailed, w/ hs partner, && dey wer both sentenced to life imprisonment plus a multa of 10M pesos. at frst, i felt sympathy towards dem, bcuz what i'v thought is dey hav less aggravation to d filipino nation than rapsts && murderers. tsk, hirap i-englsh. ang nsa isip ku kxe nung una, prang mas malaki nman ang kasalanan ng mga rapst at murderer kesa sa kanila. ngunit, un nga, karamihan ng mga krimen ay gawa ng mga taong lulong sa shabu, mga krimeng murder, pagna2kaw at rape, lhat ng karumal dumal at kahayupan, na hnd nman tlga nla maga2wa kung hnd sila undr d influence of of shabu or desperadong mgkapera pra may pambili neto. at hnd rn nman un mangya2ri kung hnd pnapatakbo ng mga drug syndicates na to ang malawakang shabu tiangge, na hanggang ngaun kaht kulong na ang dalawang drug operator na to, on going pa rn ang shabu shabu dahl super dame ng mga galamay nla at sa dami ng mga "branch" ng ngbe2nta nito. [hay, hirap i-englsh neto, kung filipino na lng kea simula't sapul]
d perturbng ascendng number of drug users in d country gave brth to PDEA, phil drug enforcement agency, w/ a primary goal - to dissipate drug pushers, && ds also means pagsugpo sa mga kriminal. but over d years, drug lords became mor && mor powerful, && most even hav connection to d higher ups in d government, makng every shabu operation formidable whch is reali appallng.
sa PDEA na lng ba nten iaasa ang lhat? PDEA && other anti-drug factions cannot do it alone by guns && bars, so, ako msmo - hnd ako ga2mit ng ilegal na droga, whch is a great help to d whole nation in d goal of scourng clean drugs off d philippnes.
d prospect of d philippnes being drug free is stil uncertain, pero, un nga, it starts w/ ourselves, && by subduing frends who we know r into drugs. we must know how to use our dsposition to save drug users, bcuz dey r also victims. dey might'v been ditched by their families, or their parents away from dem, so dey r left abandoned w/ no guidance.
another way to help on d war on shabu is - prevention. if u hav a child, a sister, a brother, a frend, a neighbor, guide dem, love dem, introduce God to dem, but be sure u urself know God or else it wil not work, && it wil be a shield for dem not to maligaw ng landas [as d cliche goes].
d number of drug users may rise, but u can pray. prayer is powerful, even against d bggest enemies, like shabu.
Labels:
anti,
cocaine,
crack,
king,
meth,
methampethamine,
philippines,
queen,
shabu
Sunday, January 24, 2010
Friday, January 22, 2010
Sunday, January 17, 2010
Saturday, January 16, 2010
Thursday, January 14, 2010
Lamborghini Wallpaper
Tuesday, January 12, 2010
Subscribe to:
Posts (Atom)